In defense of Parokya ni Edgar’s Chito Miranda | Inquirer Entertainment
Kuwento

In defense of Parokya ni Edgar’s Chito Miranda

/ 06:27 PM September 19, 2014

Chito Maranda. FILE PHOTO

Chito Maranda. FILE PHOTO

Wala namang basagan ng trip.

Bakit naman pag-iinitan si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar.

Article continues after this advertisement

E ano ngayon kung naki-bertday kay Bongbong Marcos.

FEATURED STORIES

E ano ngayon kung pumorma nang naka-victory sign sa harap na gahiganteng picture ng dakilang Ferdinand na naka-victory sign din na para siyang mini-me ni Apo.

E kitang kita namang napakasaya ng party ni Bongbong. Pati yong mga hakot na dumalo sa tipar, happy. At pati si Chito happy!

Article continues after this advertisement

“Sobrang saya ng gig namin sa Laoag kanina! Grabe!!! Tenkyu Sen. Bongbong, Cong. Imelda and Gov. Imee for having us! Nextym po ulit! “
May smiley face pa.

Article continues after this advertisement

Pero teka. Ano ‘tong hirit ni @lamighangin.

Article continues after this advertisement

“Wish you had not done the double-victory sign, kinilabutan lahat sa generation namin. Marcoses using photo now on their FB.”

E anak ng Bicutan, sobrang banat naman yan. Kinilabutan daw siya. Kinilabutan daw ang henerasyon niya. OA naman, tol.

Article continues after this advertisement

Sumabay lang sa double victory ng dictador kikilabutan ka na? E ano ngayon kung pinost ni Imee sa Facebook page niya.

Masyado namang mainit ang dugo kay Marcos. Masyadong tsentsitib. E ang daming okay na nangyari dahil sa kanila. Kita nyo sa ranking ng mga pinaka matinik magnanakaw sa mundo, Number 2 yong atin, chong. Number 2 si Marcos!

Kung hindi lang napatalsik, naging Number 1 pa sana. At kita ninyo naman dahil sa kasakiman ni Imelda sikat tayo sa Broadway at sa West End sa London.

Sino naman ang di maaasar sa hirit nitong si @lamighangin.

“@lamighangin i think you and “your generation” should focus on more important issues sa bansa kesa sa stage antics ng isang rock band. he he.

He he talaga. At ito pa sa ‘yo @lamighangin “kung ‘kinilabutan ‘yong generation nyo’ sa ganung kasimpleng bagay, congrats, at least, alam nyo kung anong issues ang relevant”

Oo nga naman. Humanap naman kayo ng relevant na isyu. Kung trip maki-bertday sa mga Marcos e di dapat cool lang yon. Tama na yang trip down memory lane drama na yan, yang mga hirit na ‘do you remember martial law and how bad it was,’ yong mga pag ungkat ng mga kabulastugan ng diktador.

Chill na lang, pards. Move on.

Ibang hirit naman nitong si @jumjumouano: “pls be an ambassador truth. reject the Marcoses!”

Isa pang OA. Tama na yan, chong. E pakialam ba niya kung dinugas ni Marcos yong buong bank account ng Pinas.

E ano ngayon kung binasura sa kangkungan ang human rights nong panahon ng diktador.
Pards naman, pakialam niya sa mga pinatapon sa Crame at Bicutan, sa mga binugbog at ginahasa, sa mga pinahiga sa yelo, sa mga pinitik pitik ang ari.

Ano naman ang pakialam niya sa mga Amnesty International reports na yan, o sa mga namatay na nakasabit ang mga picture sa “Bantayog ng mga Bayani” sa may QC.

Lumang tugtugin na yan. Old news, pards. O ayan na nga martial law anniversary na naman. Kung anu ano namang drama ang ihihirit ng iba diyan. Mga chong naman, ala na dapat pakialam sa mga ganyan ang isang rakstar!

“@jumjumouano i am not pro-marcos nor am i pro-aquino. I am pro-FILIPINO. Stop making a big deal out of it. Find something more relevant pls.”

O ayan na, napakalinaw. He is pro-Filipino. E dami na ngang Pilipinong nakalimutan na ang mga pinag-gagawa ni Makoy e — yong mga pagnanakaw, ‘yong salvaging, ‘yong tortyur — ala na ‘yon chong sa mga isip ng maraming Pinoy. E kaya nga pro-Filipino. “I don’t have to attend every argument I am invited to. Really wanna know what I think? For me, MUSIC IS LIFE. Everything else is trivial. :)”

Ayon na nga. Nakana niya, “Music is life.” Ang musika ay buhay. Tindi. Wazak. Tapos na ang debate, mga tol. Yong mga martial law martial law na ‘yan, ‘yang mga human rights, human rights na yan … alang relevance, pards. Pipitsugin. Trivial. Mamera.

Kanta na lang tayo. Jamming na lang repapips. Victory Joe! Nextym po ulit!
He he.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Visit the Kuwento page on Facebook at www.facebook.com/boyingpimentel
On Twitter @boyingpimentel

TAGS: Bongbong Marcos, Chito Miranda, Ferdinand Marcos, imee marcos, Imelda Marcos, Parokya ni Edgar

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.