FULL TEXT: Erik Matti's acceptance speech for Best Director in 2015 MMFF | Inquirer Entertainment
ON THE DISQUALIFICATION OF 'HONOR THY FATHER' FROM BEST PICTURE

FULL TEXT: Erik Matti’s acceptance speech for Best Director in 2015 MMFF

/ 02:45 PM December 28, 2015

Honor Thy Father

CONTRIBUTED IMAGE/Erik Matti

Sa kabila ng lahat, magandang gabi pa rin sa inyo.

Kahit kailan po, hindi ako gumawa ng pelikula para magka-award. At kung may mga reklamo man ako sa MMFF, hindi ‘yan tungkol sa pagdisqualify niyo sa Honor Thy Father from the Best Picture category. Naglabas na ng statement ang producer namin na si Dondon Monteverde. Sang-ayon ako sa mga sinabi niya doon. Mas malalim kesa d’yan ang disappointment ko sa MMFF.

Article continues after this advertisement

Mula sa pagpili niyo ng mga sineng isasali hanggang sa pagkunsinti niyo sa masahol na trato ng mga sinehan sa ibang pelikula, lalo na ng maliliit na producers, para sa isang die-hard movie fan na gaya ko, hindi ko na halos makilala ang film festival na dati kong hinangaan at nirespeto.

FEATURED STORIES

Maraming salamat na lang sa libreng publicity at higit sa lahat, sa pagbukas ng pinto para pag-usapan na sa wakas ng filmmakers pati ng moviegoers ang mga hinahangad nilang pagbabago sa MMFF.

Sa lahat naman ng Pilipinong hindi pa rin nagsasawang manood ng mga gawa namin dito, salamat sa inyo. You deserve better. Kaya tulungan niyo naman kami. Demand for better films! Demand for more choices in the cinemas! Kaya pa natin baguhin ‘to. Hindi ako titigil kung hindi rin kayo titigil.

Article continues after this advertisement

Hindi na ito tungkol sa Honor Thy Father. Buong industriya ng paggawa at panonood sa pelikulang Pilipino ang usapan na ‘to. Kaya, salamat na rin sa inyo, MMFF. Binuhay niyo ang pag-asa ko para sa pagbabago.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

TAGS: "Honor Thy Father", acceptance speech, Best Director, best picture, Erik Matti, Metro Manila Film Festival, MMFF

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2025 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.