Willie Nep’s three-way exchange on pressing issues about Manila
The race is heating up in Manila. The two contenders for city mayor are former Philippine President Joseph “Erap” Estrada, and the incumbent, Alfredo “Dirty Harry” Lim.
For his Music Museum show, “Epal: The Musical,” on April 12 and 13, master mimic Willie Nepomuceno re-imagines the dueling duo in an out-of-this-world debate with guest moderator “Pidol,” a third party based on the late great Comedy King Dolphy. Excerpts:
Pidol: Ang main concern ng mga Manileño ay safety. Sino sa inyo ang mas makakapagbigay sa kanila ng katahimikan?
Lim: ’Yang katahimikan ay forte ko ’yan. My track record speaks for itself. Maraming dating magugulo sa Maynila ang nananahimik na ngayon.
Erap: Maraming kriminal ngayon dahil hindi na enforced ang capital punishment. Noong Presidente ako, pinatutupad ko ’yun. Pag naging mayor ako, ipatutupad ko ang capital punishment sa Maynila. Pag capital offense, capital punishment ang katapat, because Manila is the capital of the Philippines!
Article continues after this advertisementLim: Dapat talagang mabawasan ang mga kriminal. Kaya dapat matalo si Erap. Convicted criminal ito, e.
Article continues after this advertisementAt hindi ako against capital punishment, pero against ako sa silya elektrika, masyadong brutal!
Erap: Ayaw mo lang gumamit ng silya elektrika dahil ang utang ng Maynila sa Meralco ay P842 million na. Baka maputulan ng kuryente ang Maynila. Kaya pala ang middle initial mo ay D—Alfredo D. Lim!
Pidol: Sino sa inyong dalawa ang genuine Manileño?
Erap: Ako! Kaya lagi kong dala ang aking birth certificate na nagpapatunay na sa Maynila ako ipinanganak.
Lim: Ako ang genuine. Ipinanganak ako sa Tondo, lumaki at tumandang naninilbihan sa Maynila. Itong si Erap, buong buhay niya, sa San Juan nakatira. Di komo sa Maynila ka ipinanganak, Manileño ka na. Kung sa New Manila ka ipinanganak, Manileño ka ba? Kung sa San Juan de Dios Hospital ka ipinanganak, taga-San Juan ka ba?
Pidol: Ang deficit daw ng Maynila, P5 billion. Pa’no ’nyo babayaran ito?
Erap: Ang daming Indian residents sa Maynila—uutang ako sa kanila. Kikita pa sila sa interes.
Lim: First of all, my administration did not incur those debts; namana ko ’yan. Ganu’n pa man, nakakabayad ako ng P100 million every year. In simple mathematics, I just need to be your mayor for the next 50 years.
Pidol: Ang dumi raw ng Maynila. Pa’no ito malilinis?
Erap: Unang-una, hindi dapat ma-reelect itong si Mang Fred. Numero unong marumi ito, e. Dirty Harry nga, ’di ba? The leader sets the example. Napakasimple ng solusyon—walisin si Dirty Harry!
Lim: Kung ’yun lang ang problema, di ko na tatawagin ang sarili kong Dirty Harry. Since medyo tumataba ako, dahil nga sumasagana ang Maynila sa pamumuno ko, gawin na lang nating Harry Fatter.
Pidol: Bakit parehong artista ang running mates ninyo?
Erap: Since artista ako, artista rin ang kinuha ko—si Isko Moreno nga, dahil guwapo, at guwapo rin ako; matikas, dahil matikas din ako. Nakakapagtaka ba na si Lou Veloso ang kinuha ni Mang Fred?
Lim: Sabihin na nating tumpak ang sinabi mo … Kinuha ko si Lou dahil magaling siyang artista, at may sense of humor na tulad ko. Akala ng iba, wala akong sense of humor. Kung tumawa nga ako minsan, sobra—’yung naluluha na ako. Kaya akala nitong si Erap nung dinalaw ko siya sa Tanay, umiyak ako. Hindi po!
Pidol: Mr. Ex-President, palagay mo ba, umiyak siya noon?
Erap: Oo—’di ko nga akalain na iyakin ito e. Humingi ng tawad. Akala ko nung una, may sore eyes lang kaya namumula ang mata—medyo lumayo nga ako. Pero biglang bumuhos ang luha, so nabigla ako, lalo na nung bumunot ng panyo, kasi may burdang “Hello Kitty.”
Lim: Puro kasinungalingan ’yan. Siya ang umiyak nung humingi ng tawad—kay GMA. Bigyan daw siya ng parole. Since hindi Pasko noon, hindi parol ang binigay sa kanya, pardon!
Pidol: Mr. Mayor, mayron po ba kayong balak para lumuwag-luwag naman ang trapiko?
Lim: Meron! Masyadong maraming sasakyan—I will implement my version of a volume reduction program. Lahat ng kalsada lalagyan ko ng toll gate. Kailangang magbayad para dumaan. Makaka-discourage ito sa karamihan ng motorists, kaya di na lang sila magdadala ng sasakyan, at luluwag ang trapiko. Makaka-raise pa ng pondo ang Maynila, pambayad sa utang.
Erap: Masyadong pabor sa mayaman ’yan, Mang Fred. Ang plano ko, para sa mahihirap. Magkakaroon ng speed limit sa lahat ng kalsada—one kilometer per hour. Mas mabilis pa ang paglakad dito. Mauunahan pa ng mga pedestrian ang mga naka-kotse. Makaka-discourage ito sa paggamit ng sasakyan, at luluwag ang trapiko.
Pidol: How do you plan to eradicate drugs?
Erap: For the total eradication of drugs, para wala nang bibili, ipasasara ko ang lahat ng mga botika!
Lim: Erap, dangerous drugs ang ibig sabihin ni Pidol.
Erap: Sana nilinaw niya! Huwag mong sabihing ang panlaban mo dyan ay yung pagpipintura ng bahay. Hindi madi-discourage ang mga addict dyan. Natutuwa pa nga ang mga ’yun kasi napipinturahan nang libre ang mga bahay nila. Ba’t di mo pinipinturahan ang sarili mong bahay? ’Di ba yung anak mo … ?
Lim: Pula kasi ang gamit kong pintura, e ’di bagay sa bahay ko na green. ’Yung anak mo rin naman nagkaroon ng kaso na drug-related ’di ba? Nanggulpi daw ng addict?
Erap: It only means against kami sa drugs.
Pidol: Tanong ng iba, wala bang kandidato na mas bata sa inyo?
Erap: Mas bata ako kay Mang Fred! I will turn 76 on April 19— siya ay 83 na last December 21!
Lim: Mas maganda na ang mas matanda. Mas may wisdom. Ang wisdom lang yata nitong si Erap ’yung wisdom tooth niya— nasira pa kaya pinabunot.
Erap: Mas maganda nga ang matanda, pero hindi sobrang tanda tulad ni Mang Fred. Kasi, ’yang edad na ’yan, ulyanin na at nakakalimutan na meron nga pala siyang wisdom.
Pidol: Do you think you’ll win?
Lim: I think I’ll win! Laging ipinagmamalaki nitong si Erap na maraming dumadalo sa mga rally niya. Sana nakita niya kung gaanong karaming tao ang dumating noong nakaraang rally ko kahit si Coco lang ang guest speaker ko!
Erap: Marami nga, kasi sinabi mong si Coco ang endorser mo! Akala kasi nila, si Coco Martin! Noong makita nilang si Koko Pimentel pala, maraming nag-uwian! Ganyan ba ang mananalo?