MANILA, Philippines — GMA Network stars recited a moving poem for frontliners in this time of face masks and social distancing.
Actors Dingdong Dantes, Tom Rodriguez, Lovi Poe, Mikee Quintos, Sunshine Dizon, Benjamin Alves, Mikoy Morales and Rita Daniela took part in a reading of “Ngingitian Kita” (I’ll smile for you), a poem by musician Yan Yuzon.
A video compilation of the artists reading aloud from their own homes was posted by Yuzon on Instagram Tuesday, April 7.
It began with each actor removing their masks, before going into a heartfelt recitation of the poem, which is as follows:
“Ngingitian kita kahit maingat,
Kahit may social distance, kahit may kaba,
Kahit mata lang muna ang kita at mga tengang mapula.
Ngingitian kita.
“Bawat araw ay tila isang lobong lumulutang,
Sa gitna ng bawat higit-metrong puwang sa pagitan ng bawat isa.
Para umangat ang lobo at hindi sumayad sa lupa,
Ngingitian kita.
“Ngingitian kita dahil baka katulad kita
Taong naghahangad lang ng mangitian sana.
Pero baka wala akong mapala sa pag-abang sa pagtanggap
Kaya mauuna na akong magbigay,
Ngingitian kita.
“Ngingitian kita kasi uuwi ka mamaya sa kaway
ng mga kabahay na ‘di muna mayayakap
Ngingitian kita dahil baka mamaya pag-upo mo sa dyip
Baka maramdaman mo na bukas susuko ka na.
“Ngingitian kita dahil may nais akong punan na gutom na kakulangan
Sa puso mong balisa.
Sana’y maliit man ang mula sa aki’y matanggap,
Ay maisip din ng ibang ibigay ang sa iyo’y dapat.
“Sana’y kahit sa loob ng isang segundo magmistulan akong kapatid.
O kaibigan. O anak. O magulang.
O kaagapay. O kapwa.
“Hindi man tumabla kapag ipinagsama-sama’y
Baka maging halos kasing-halaga
Ng kalahating-yakap man lang;
Kaya’t ngingitian kita at ngingitian kita,
At ngingitian kita.”
Morales, who also shared the video on Instagram said, “Sa susunod na lumabas ka para mamili ng supplies, o pag may dumaan sa may bahay niyo, ngitian niyo din sila. Salamat, frontliners. Kita namin kayo.”
(The next time you go out to get supplies, or if someone passes by your house, give them a smile. Thank you frontliners. We see you.)