Cab drivers talk about their favorite radio programs

RADIO is the taxi driver’s constant companion. Most have it on for 24 hours. But, what is it that they enjoy listening to?

We asked a random sampling of cabbies to tell us about their favorite radio shows, and here’s what they have to say:

TULFO. Fearless.

“Gusto ko ang programa ni Raffy Tulfo sa hapon, ‘Wanted,’ sa 92.3. Gusto ko ‘yung may natutulungan siya, na na-aaksyunan n’ya kaagad ang mga problema. Ngayon kasi, puro impeachment ang maririnig mo—puro daldal. Sa umaga, nakikinig ako kay Mike Enriquez, tinitira din niya ang mga pulitiko. Tapos, sa gabi, nakikinig ako kay DJ Kara sa 93.9, kasi maganda ang boses niya.”—Alfredo Malda, 30

Timeslot

“Madalas akong makinig sa Wow FM 103.5 at Yes FM 101.1. Idol ko ang DJ na si Totoy Bato sa Yes. Nasa Wow naman ako sa timeslot na nagpapatugtog sila ng OPM.”—Jun Dali-on, 31

“Inaabangan ko ang ‘Wanted’ ni Raffy Tulfo sa 92.3. Karamihan ng mga kinakalaban niya, mga salbaheng pulis. ‘Pag may humihingi ng tulong, na-aaksyunan agad. Sinusumbong n’ya sa mga opisyal, at napagsasabihan n’ya ang mga nangungurakot.”—Rolando Enocillos, 46

“Lagi akong nasa 91.5 Big Radio—lalo na sa umaga. Maganda ang sounds nila, maraming old songs. Gusto ko rin ang mga joke ng mga DJ, nakakatuwa.”—Alfredo Tulang, 60

“Sa umaga, nakikinig ako sa dzBB para sa balita at traffic. Tapos, sa hapon, ‘Wanted,’ by Raffy Tulfo sa 92.3. Natutuwa ako sa mga kasamahan naming driver na nagsusumbong sa kanya tungkol sa mga maling huli. Wala s’yang sinasanto—kahit general o judge. Sa gabi, kay Papa Jack ng 90.7 naman ako nakikinig, kasi hindi siya nakakaantok.”—Ian Davila, 31

“Usually, nasa 106.7 Dream FM ako. Masarap sa tenga ang mga pinapatugtog nila at nakakatuwa ang mga DJ—hindi nakaka-stress at walang masyadong daldal.”—Robert Reyes, 37

Read more...