KC Concepcion hurt, angry but careful in ‘tell-all’ | Inquirer Entertainment
Meltdown

KC Concepcion hurt, angry but careful in ‘tell-all’

/ 08:57 PM November 29, 2011

KC CONCEPCION videograb FROM ABS-CBN’S THE BUZZ

Fans and hecklers stormed cyberspace with reactions to KC Concepcion’s meltdown on national television as she talked about the breakup of her relationship with Piolo Pascual.

Should she have broken her silence, shattering her image of a carefree and privileged but socially sensible and responsible young woman? Judge for yourself.

Article continues after this advertisement

Following are excerpts from that interview with host Boy Abunda of ABS-CBN’s “The Buzz.” The transcript was posted on push.com, a website maintained by the Kapamilya network.

FEATURED STORIES

Nung maging officially kayo ni Piolo Pascual, what was it like? Take me back to Oct. 21, 2010.

Article continues after this advertisement

Actually simula nung 18 (years old) ako [he already tried to court me.] But then in the last three years, since I came back from abroad, siya ’yung unang bumungad sa akin … Two years ako niligawan talaga ni PJ (Piolo’s nickname), on and off. Sabi nila, kailangan mo talagang kilalanin ang taong’yon. ’Yun talaga ang ginawa ko … kinilala ko siya, simula ng “Lovers in Paris” (a TV series they made for ABS-CBN). Talagang sinabi niya na he wanted to get to know me more. May mga time pa na three months kaming hindi nag-uusap tapos biglang bumalik siya tapos nanligaw na talaga.

Article continues after this advertisement

What would you be thinking those times na wala na tapos babalik na naman?

Article continues after this advertisement

Na baka hindi siya sure sa akin … baka break muna … Basta nag-date na rin ako ng iba … And then he came back April of 2010, sabi niya nung birthday ko, “Give me another chance.”

Article continues after this advertisement

At binigyan mo siya ng pagkakataon?

Opo naman. In October, he asked me to be his girlfriend. Babae lang ako na … kinilig nang sobra. Kasi ’di ba tingnan ka lang ni Piolo nang konti, talaga namang as a girl, kikiligin ka talaga.

During this time na nililigawan ka ni Piolo, meron akong mga nakausap … na hindi sila boto. Looking back, naiintindihan mo na ba ngayon kung saan nanggaling ’yung mga opinyon, ’yung mga boses na ’yon?

Napag-usapan namin ni PJ, sinabi po niya sa akin na meron din namang nagsasabi sa kanya na ayaw din nila sa akin for him. Sabi ko, “Poproblemahin ba natin ’yon?” Sabi ko, “Huwag mong pansinin ’yung ibang tao. Let’s make it a point na anuman ang sabihin mo sa akin, ’yun ang paniniwalaan ko.”

What was the best thing about that relationship?

WITH Piolo, when the thrill of romance was enough. JIM GUIAO PUNZALA

It was my first show-biz relationship … pareho kami ng trabaho, I think the best thing is that natuto ako … parang naging mas mature talaga ako sa relationship na ito. First relationship ko na seryoso talaga, na to the point na talagang may mga bagay na hindi man kumportable, nagagawa mong tanggapin kasi mahal mo and you choose to accept. I know it sounds corny pero naging mas accepting ako.

Ikumpara mo nga ang Oct. 21, 2010, at Oct. 21, 2011. Saan napunta ang relasyon?

Naging klaro po sa akin. Marami pong naklaro … ’yung mga kaya ko at ’di ko kayang gawin …

Bilang girlfriend?

Bilang babae. Kasi bigay lang ako nang bigay. Iniintindi ko lahat … Parang masyado akong nagbigay ng benefit of the doubt sa lahat. Intindi ako nang intindi, tinatanggap ko lang nang tinatanggap, hindi pala dapat gano’n.

In some of your interviews, may mga pagkakataon na hindi namin masyadong maunawaan ang mga sinasabi mo, especially when you referred to wanting to speak up [about] Piolo. Why are we talking about it [now], why the need to tell your story?

Para sa sarili ko … ang dami po kasing nangyari … Hindi kasi ako mahilig magkuwento ng problema namin sa iba … I guess nung time na na-realize kong hindi na talaga ito gagana … Dalawa or tatlong buwan akong pumapasok sa “The Buzz” every Sunday or sa “ASAP” (the network’s Sunday variety show) na kunwari OK lang lahat … tapos pagdating ng commercial break, hindi ko na alam ang nararamdaman ko … nagkukulong na lang ako sa banyo.

Direktang tanong: Hiwalay na ba kayo ni Piolo Pascual?

(KC nods.)

Bakit, paano, saan, kailan, sino ang nakipaghiwalay?  Tell me what you can tell me.

May mga hinahanap ako na napaka-basic lang na hinahanap ng isang girlfriend sa isang lalaki … Ayokong siraan siya … pero lahat talaga kinaya ko … may anak siya, tinanggap ko ’yon. Tinanggap ko ’yung anak niya. May mga times na hindi ko siya naiintindihan, tinanggap ko, kasi sabi ng mga kaibigan namin, personality niya ’yon. Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon na dapat ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko kasi naniniwala akong mabait siyang tao. May mga bagay na ’di ko na kayang tanggapin. Kasalanan ko naman kasi ginusto ko ito ’di ba? Sobra-sobra talaga akong nagtiwala. Sobra.

May third party ba?

Ayokong sagutin, Tito Boy.

Gaano kasakit ang sakit?

Sobra po.

Galit ka?

Ngayon ko lang po na-realize na, opo.

Galit ka dahil…

Ewan ko kung bakit… ’yung sama ng loob, naging galit. First time ko rin na parang napapamura na ako, ’yung parang ’di naman ako gano’n and bigla na lang akong maiiyak kasi ’di pala ako OK. And then siya,  ’pag nakikita kong ini-interview siya, dinadaan lang niya sa joke. Parang bakit ikaw ganyan, ako ganito? Bakit parang sa huli, mag-isa lang ako dito? Ano’ng sasabihin ko sa pamilya ko? Ano’ng sasabihin ko kay mama (Sharon Cuneta) na tanong nang tanong kung kami pa ba o hindi? ’Pag sinabi kong hindi na, magtatanong siya, bakit? Ano’ng sasabihin ko sa lola (Elaine) ko na mahal na mahal siya? Hindi ko talaga masabi sa kahit sino kung ano’ng nangyari.

’Pag sinabi mo, ano’ng mangyayari?

Ayoko lang makasakit.

Humingi naman ba siya ng tawad?

Opo. Ganun naman si PJ, humihingi ng tawad. Pero ang point naman po ng pagpapatawad, sana hindi na maulit.

Did he ask for a second chance?

Binigyan ko siya ng second chance, third chance, fourth chance, fifth chance, sixth chance, seventh chance. Pagdating ng eighth chance, parang… parang na-realize ko hindi lahat ng problema nadadaan sa kilig…  kasi ang galing-galing niyang magpakilig. Ang tanga-tanga ko nga… Kasi titingnan ka lang niya, ay, wala na talaga. Nakalimutan ko na lahat. Eh, lagi na lang gano’n.

You left for the United States for a series of concerts. Kasama mo si Piolo. What was that like?

Sobrang challenge ’yon, sobra talaga… Every day of that tour was like an exam.

Sinubukan niyong pag-usapan?

Opo. He knows exactly why we broke up. Araw-araw na nakikita ko siya, araw-araw na magkasama kami parang tug of war. Iniisip ko, dito lang tayo sa Amerika nagkaroon ng panahon na tayong dalawa lang, hindi rin natin na-enjoy dahil hindi na talaga gagana.

Naikuwento mo ba lahat sa mama mo?

Kahit hindi ko pa naikwento sa kanya, alam na niya.

Sa palagay mo, ano ang pagkukulang mo bilang girlfriend?

Naniniwala naman ako na ’pag sinasabi ni PJ na minahal niya ako, meron namang katotohanan ’yon pero masakit mang sabihin, siguro nag-fail din ako dahil hindi ako ’yung kailangan niya sa buhay niya. Or hindi ako ’yung hinahanap niya sa buhay niya, and hindi ko maibigay sa kanya ’yung kailangan niya.

Are you friends now?

We’re civil with each other.

Are you hoping you can be friends?

Ang hinihingi ko lang sa kanya, ‘PJ, please ’wag kang magagalit sa akin dahil nasaktan ako. ’Wag kang magagalit sa akin dahil hindi ako perpekto. ’Wag kang magagalit sa akin dahil may mga bagay na hindi ko na kayang intindihin at tanggapin. ’Wag kang magagalit sa akin kung kailangan ko munang maramdaman ito lahat. Kung kailangan ko munang mag-react kung paano normal na mag-react ang isang babae sa sitwasyon ko.

You’re walking away from this relationship. Ano ’yung pinakaimportanteng leksyon na natutunan mo bilang isang babae?

Magtira ka para sa sarili mo, at ang tiwala na ibibigay mo sa taong mamahalin mo, dapat alagaan niya.

Ano ang nais mong sabihin kay Piolo?

Alam na niya ’yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

One wish— God is out there.

Na makahanap talaga ako ng true love! (Laughs.)

TAGS: Boy Abunda, KC Concepcion, Piolo Pascual

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2025 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.